Agot pinagbantaan ng netizen

By Delia Cuaresma

Ginulo si Agot Isidro nang tila isang galit na galit na netizen nitong Martes.

Sa hindi alam na dahilan inatake ng netizen ang singer-aktres na nakuha pa niyang pagbantaan.

agot

I-shinare ni Agot sa kanyang mga followers ang pananakot sa kanya ng netizen via Twitter.

Sa screengrab na ipinost ni Agot mababasa ang sinabi ng netizen na “Malaman ko lang pressCon mo pupunta talaga ako.

I’ll make sure labnos mukha mo sa asido.”

Kalmang sinagot naman ito ng singer-aktres ng “Kailangan ba umabot tayo sa ganito?”

Pero ayaw papigil ng netizen na sumagot pang muli ng, “F*** you PO! Aalamin ko venue ng presscon mo bubuhusan talaga kita ng asido.”

Dito na ifinorward ni Agot at ilan pang mga followers niya ang mga tweets na ito sa official Twitter account ng Philippine National Police (PNP).

Sa tweet ng PNP, pinagsabihan nito ang netizen: “Bawal po sa batas yan. Threat po yan. Pwede po kayo kasuhan.”
Dito lamang tila natigil ang netizen.

http://tempo.com.ph/feed/