Kim, nagbalik alaala

By Delia Cuaresma

Malayo-layo na rin ang narating ng maganda, matangkad at seksing-seksing aktres na si Kim Domingo.

Regular siyang lumalabas ngayon sa “Bubble Gang.” Nakagawa na rin siya ng ilang pelikula at serye. Na–feature na rin siya bilang calendar girl. Pero hindi overnight ang success niya huh?

kim

High-school pa lamang ito nang sumubok pasukin ang larangan ng showbiz. Aminado siyang hirap ang pinagdaanan niya bago natamasa ang kasalukuyan niyang tagumpay.

Sa Instagram, may i-shinare si Kim na photo ng grupo ng mga talents o “extra” na nagpapahinga. Ani ng 23-anyos na dalaga, “Totoo ito. Napakahirap ng buhay ng isang talent.”

Inalala niya ang dinanas na “Inet, pagod, puyat, gutom” kumita lang ng halagang P500.

Nagtiis daw siya “Dahil gusto ko madiscover dahil pangarap ko na talaga mag artista bata pa lamang ako, at syempre ang kumita ng pera para matulungan ang magulang at sarili.”

Kaya ang advice niya sa mga gusto sumunod sa yapak niya:

“Tyaga at tiis lang dadaloy din ang ginhawa. At wag mawawalan ng pag-asa kung para sa pangarap laban! Kung para kumita ng pera laban! At wag makakali-mot sa nasa itaas at kung saan ka nagmula.”

http://tempo.com.ph/feed/