Vice, nag-sorry

By Delia Cuaresma

Humingi ng paumanhin ang komedyanteng singer-host na si Vice ganda sa kanyang mga fans via social media kamakailan lang.

vice ganda

Ang dahilan? Hindi niya napaunlakan ang ilan na humiling ng selfie sa kanya Miyerkules sa labas ng isang resto sa Quezon City.

Ani Vice sa post niya, “Pasensya na sa mga fans sa labas ng resto na pinakiusapan kong pass muna sa paselfie at hug na lng kasi pagod n tlga ko. Thanks for understanding! Bawi ako next time.”

Napag-alaman sa isang report na kaya pala pagod na pagod itong si Vice ay dahil kagagaling lang niya sa taping ng kanyang show na “Gandang Gabi Vice,” na magce-celebrate na ng ikapitong taon sa ere.

Todo pasabog daw itong anniversary episode na mag-i-air na mamayang gabi.

Ani Vice may mga “rebelasyon” daw sa show at mga bagong “ganap at paandar.”

Ano kaya ito? Well, panoorin na lang natin mamaya.

http://tempo.com.ph/feed/