Arci, kina-iinggitan?

By Delia Cuaresma

Marami raw ang na-i-inggit ngayon kay Arci Muñoz.

Hindi ito dahil sa nakababaliw niyang kagandahan bagkus sa mga kilig scenes nito with Piolo Pascual sa teleseryeng “Since I Found You.”

arci munoz

Hindi na nagtataka ang seksing-seksing dalaga rito. Alam niyang maraming fans ang nahuhumaling kay Papa P.

Aniya, “Kahit sino, kung iba rin ang gumanap as Dani, marami din naman ang maiinggit sa kanya.”

Alam din daw ito ni Piolo na natatawa na lamang.

Sa katunayan, naging “running joke” na nga daw sa kanila ni Piolo ito.

Ani Arci, “Sinasabi ko nga kay Papa P, ‘Buti na lang sawa na ako sa iyo. Sige, ipami-migay na kita.’ Sabi niya, ‘Sige na, Mona, ipamigay mo na ako, inaaway ka na ng tao.’”

Siyempre pantasya lang ito sa marami. Eh siya kaya, ano ang masasabi niya kay Piolo?

“Masarap talaga magkaroon ng Papa P. Iba talaga siya,” sambit ng aktres.

Kung marami ang naiingit kay Arci, we’re pretty sure marami ring kalalakihan ang naiingit kay Piolo. Tunay naman kasi talagang ka-aya-aya ang alindog ng aktres.

http://tempo.com.ph/feed/