Megan, nagpasilip muli

By Delia Cuaresma

Nabulabog ang mga netizens nitong Sabado ng magpasilip uli ng angking kariktan ang dating Beauty Queen na si Megan Young via Instagram.

megan

Actually, ang gusto ipakita ni Megan sa photo na kanyang pinost ay ang tamang pagmi-mix ng kulay ng bikini.

Ani pa nga niya sa caption, “Mixing up summer colors.”

Sa totoo lang, maganda ang pagkaka-pair niya ng bright yellow bikini top at deep blue bottom.

Sinangayunan pa nga ito ng designer na si Boom Sasson na nag-comment ng “Meg looks amazing in The Bijou bikini top in Lemon Yellow and Marlowe bikini bottoms in Azure.”

Ang siste, ang napansin ng karamihan ay ang killer curves ng dalaga.

Ang isa sa mga followers nga niya ay napahirit ng “booty could make a grown man cry.”

Di na nakuhang magpaka-poetic ng ilan na napa-wow na lang.

Umani ang post ng 43,000 likes isang oras lang pagka-post ni Megan.

Sa’n ka pa?

http://tempo.com.ph/feed/