Kyline bilib kay Ruru

By Ruel J. Mendoza

Nakapanayam namin si Kyline Alcantara kamakailan sa set ng “Kambal, Karibal,” at ikinuwento niya sa amin na hanga raw siya kay Ruru Madrid dahil sa pagde-defend nito sa kanya sa mga bashers.

kyline

Itinambal kasi siya kay Ruru sa isang episode ng programang “Wagas.”

Apparently, may ilang fans na umangal dito.

Tila baga ang gusto ng ilan ay forever na si Gabbi Garcia lang ang i-partner kay Ruru.

Agad nakiusap ang aktor sa mga fans na wala sana siyang mabasang bina-bash si Kyline dahil mabait ito at trabaho lang ang ginagawa nila.

Marami pa raw na gustong makatambal si Ruru at mas magiging masaya siya kung susuportahan siya ng mga fans imbes na mang-bash sila ng walang dahilan.

Ani Kyline, hindi raw niya ini-expect na gagawin ito ni Ruru para sa kanya.

“Sa totoo lang po, nakakatuwa po si Ruru na makatrabaho.

“Mabilis po kaming nag-click. May something sa kanya na mabilis akong naka-vibes siya. Kaya ang saya ng first time namin to work.

“Tsaka ang bait niya po kaya nagulat din ako sa ginawa niyang pagtatanggol sa akin. I hope po na makatrabaho siya ulit sa ibang show,” pagtatapos ni Kyline.

http://tempo.com.ph/feed/