Gretchen Barretto, goodbye showbiz na?

By Rowena Agilada

GOODBYE showbiz na si Gretchen Barretto. Nag-retire na diumano ito ayon sa ulat ng Pep.

Pero hindi naman dapat mag-alala ang mga fans ni Gretchen at aktibo pa rin naman siya sa socmed. Dito, updated pa rin ang publiko sa mga kaganapan sa kanyang buhay.

gretchen

Huling napanood si Gretchen sa pelikulang “The Trial” noong 2014 with John Lloyd Cruz na nag-retire na rin sa showbiz. Mas pinili ng aktor na maging private citizen na lang.

No entry

Walang entry this year si Jennylyn Mercado sa Metro Manila Film Festival.

Gustuhin man ni Jen gumawa ng festival movie, hindi kaya ng schedule niya. Focused siya sa taping ng teleseryeng “The Cure” at ito ang priority niya.

Anang aktres, “madudugo” at malalaki ang mga eksenang kinukunan, kaya “lupaypay” na siya sa matinding pagod pagkatapos ng take.

Ani Jen, physically draining ang mga eksena niya sa “The Cure.” Napapasabak siya sa action scenes na hanggang kaya niyang gawin, hindi siya nagpapa-double.

Bosom buddies

Bosom buddies ngayon sina Juliana Gomez at Leila Alcasid, mga anak nina Richard Gomez at Ogie Alcasid, respectively.

Magkasama ang dalawang bagets sa isang event na ginanap sa New York kamakailan.

Leiliana (pinagsamang Leila at Juliana) ang tawag nila sa kanilang “tandem.” Sa magkasamang photos nila na ipinost nila sa socmed, kita at dama ang closeness nina Leila at Juliana.

Naging friend din ni Juliana si Julia Barretto. HOHO (Hang-Out, Hang-Out) sila noon. Ano’ng nangyari? Friends pa rin ba sila hanggang ngayon?

http://tempo.com.ph/feed/