Insentibo sa centenarians

LUNGSOD NG NAGA (PIA) – Anim na centenarians mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod na ito ang tumanggap ng insentibong nagkakahalaga ng Php 100,000.00 bawat isa mula sa lokal na pamahalaan.

Mismong si Alkalde John Bongat ang nag abot ng cash incentive sa mga ito, Lunes sa isang simpleng recognition ceremony.

Kabilang sa nabigyan ng insentibo sina Lola Leonila T. Labrador ng Barangay Sabang, may edad na 100 taon; Sister Lola Ma.Trinidad Ras Ragos ng Brgy. Triangulo, 101 years old; Lola Paciencia P. Plata ng Brgy. Triangulo, 101 years old; Lola Paz S. Ferrer ng Brgy. Bagumbayan Sur, 100 years old; Lola Ceferina M. De Jesus ng Brgy. Dayangdang, 103 years old at si Lolo Francisco C. Del Castillo ng Brgy. Panicuason, 107 years old.

Ikinatuwa ng mga naturang lolo at lola bilang mga centenarians ng Lungsod ng Naga pati na rin ng kanilang pamilya ang karagdagang financial assistance mula sa lokal na gobyerno at ahensiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Bicol.

http://tempo.com.ph/feed/