Surprise drug test

By Kate Louise Javier

Sumailalim sa surprise drug test nitong Huwebes ang 253 police officers mula Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela bilang bahagi ng internal cleansing ng Northern Police District (NPD).

Ayon kay NPD director Chief Supt. Amando Clifton Empiso, isinalang sa drug test ang mga operatiba ng Drug Enforcement Units, Special Operations Units at Station Intelligence Branch ng apat na lungsod.

Sinabi ni Empiso na ang mga pulis na mapatutunayang gumagamit ng illegal drugs ay sisibakin sa serbisyo at kakasuhan.
Binigyang diin din ng NPD director na ang scalawag cops kagaya ng mga nanghihingi ng pera kapalit ng pagbasura sa mga kaso ay hindi rin palalampasin.

“Ayoko lang na may marinig akong pinawalan o binangketa ninyo ang nahuling drug suspect in exchange for anything dahil may paglalagyan kayo,” pahayag ni Empiso.

http://tempo.com.ph/feed/