Solenn, namalengke

By RUEL J. MENDOZA

Solenn Heussaff

Solenn Heussaff

Nakakatuwa ang paraan ng Kapuso It Girl na si Solenn Heussaff para makatipid dahil imbes na sa supermarket namimili ang aktres, sa public market siya pumupunta at doon siya namimili ng mga fresh na gulay, prutas at seafood.

Solenn Heussaff

Kamakailan lang, nag-share si Solenn ng video habang namamalengke siya via social media.

Para di pagkaguluhan, nag-disguise ito. May suot siyang shades, baseball cap at maskara na natatakpan ang ilong at bibig niya.

Hindi rin sexy ang suot ni Solenn. Simpleng t-shirt, jeans at walking shoes ang palengke outfit niya.

“Mas mura kasi sa palengke. Nakakapamili ka pa ng marami. Yung budget ko na 1,000 pesos, good for one week of vegetables and fruits na yon. Mahilig kasi ako sa gulay at prutas.

“Tsaka sa palengke, makakapamili ka ng fresh. Sa supermarket kasi, frozen na. Hindi mo alam kung okey ba siya o hindi.

“So far, wala namang nakakakilala sa akin. Busy rin kasi ang mga tao sa palengke kaya they don’t bother to know who buys from them,” sey ni Solenn.

May reason kung bakit nagtitipid si Solenn dahil kakalipat lang nila ng mister niyang si Nico Bolzico sa bagong bahay nila.

Ito na raw ang next chapter sa buhay nilang mag-asawa. Mula sa isang one bedroom condo unit ay mas mala-king lugar na ang paglilipatan ng dalawa.

Sign na raw ito na ready na sila na lumaki ang kanilang pamilya.

“It’s in the plan. Kaya dapat mas malaki na para may space ako – may painting area, may para sa mga dogs ko, para sa anak, at may cage para kay Nico,” natatawang pabiro pa ni Solenn.

Nakatakdang mapanood si Solenn sa teleserye na “Inday Will Always Love You.”

http://tempo.com.ph/feed/