Willie, nakuha ang kiliti ni Duterte

By Glen P. Sibonga

Hindi lang pala mga tagasubaybay sa kanyang programang “Wowowin” ang nagigiliw kay Willie Revillame, dahil pati si Pangulong Rodrigo Duterte ay naaaliw din sa TV host-actor.

willie and duterte

Tila nakuha nga ni Willie ang kiliti ni Pangulong Duterte dahil magiliw ang naging pag-uusap nilang dalawa nang magkaroon sila ng chance encounter kamakailan.

Ayon sa ulat, tumagal ng halos limang oras ang pag-uusap ng dalawa. Dahil dito kumalat ang balitang susuportahan ng Pangulo ang diumano’y plano ni Willie na tumakbong Mayor ng Quezon City sa 2019 elections.

Ilang linggo na kasing kumakalat ang balitang ito. May mga political leader na nga daw na nakikipag-usap kay Willie.

Ilan sa kanila ay sina Congressman Winnie Castelo, Bingbong Crisologo, Ace Barbers, at former Cabinet Secretary Mike Defensor.

Tumindi pa ang usaping ito nang makitang magkasama sina Willie at si Congressman Winnie na naghahanap ng lugar para patayuan ng pabahay.

Wala pa mang kumpirmasyon sa kanyang pagtakbo ay tila may magandang plano na si Willie kasama si Congressman Winnie para sa Quezon City at sa mga mamamayan nito.

http://tempo.com.ph/feed/