Erich in love muli?

By Delia Cuaresma

Totoo kaya itong nabalitaan namin na may bagong jowa na itong si Erich Gonzales?

Parang kailan lang pinagdiinan ng aktres na hindi pa siya handang ma-in love muli pagkatapos durugin ni Daniel Matsunaga ang kanyang puso.

erich gonzales

Aniya, “I’m single but not available.”

Hmm, ano kaya ang nangyari at nagbago ang isip ng star ng “Blood Sisters?”

May nagsasabing pogi at super-rich daw ang bagong lover ni Erich – malayo kay Daniel na papalicious lang daw.

In any case, napakaswerte din naman ng lalaking ito. Bukod sa pagiging maganda at seksi, magaling na aktres itong si Erich, huh!

At todo puri pa si Erich sa kanya!

Ani ng dalaga, “Alam nyo ‘yung sinasabing too good to be true? Na parang ‘di ka maniniwala sa ganun? May mga tao pala talagang nage-exist na ganun. Too good but true talaga.”

Hmm, parang nakakatakot yata ‘yun huh?

‘Di ba ang kasabihan, “If it seems too good to be true, it probably is.”

Anyway, it’s Erich life and she could do damn well with it as she pleases, ‘di ba?

So sa mga nagwi-wish na magkabalikan itong si Erich at Daniel, forget it!

Masaya na si Erich at may bago na ring mahal si Daniel na isang white leghorn – a Polish beauty to be exact.
So there!

http://tempo.com.ph/feed/