Elmo pinaghihigpitan ang pananamit ni Janella

By Robert R. Requintina

Hindi pa rin masagot ni Elmo Magalona kung ano na talaga ang score ng relasyon niya sa Kapamilya star na si Janella Salvador.

Untitled-50 copy

“She’s more than a friend,” ang matipid na sagot ni Elmo nang tinanong siya sa interview kung friend or girlfriend niya si Janella sa “Tonight With Boy Abunda” sa ABS CBN kamakailan lamang.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Elmo tungkol sa relationship niya with Janella.

Pero inamin ni Elmo na wala munang projects ang love team nilang ElNella. Happy naman siya at supportive pa rin si Janella sa kaniyang projects without her.

Inamin din ni Elmo, anak ng nasirang King of Rap na si Francis Magalona, na overprotective rin siya pagdating sa pananamit ni Janella.

“Kapag may care ka sa isang babae, may instinct ka na to be overprotective,” ayon kay Elmo, one of the stars of new movie “Walwal Boys.”

“There was one time she was wearing something na parang kinimkim ko masyado ‘yung negativity;

“I did not tell her kasi ayoko namang ma-ruin ‘yung gabi niya and ‘yung event niya, So I told her nung tapos na,” dagdag pa ni Elmo.

http://tempo.com.ph/feed/