Sunshine hindi tumatanda

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 16 Jan 2019 10:53:19 +0000

 

SUNSHINE Cruz (IG)

SUNSHINE Cruz (IG)

 

AYOS din itong si Sunshine Cruz. Aba’y tila hindi ito tumatanda!

Sa katunayan mas mukhang bata pa siya ngayon.

Ang siste kasi, nag-post ito sa Instagram ng ritrato niya noon 17 years old pa lang siya. Tinabi niya ito sa ritato niya na kuha naman ng 41 na siya.

Aba’y hanep! Halos walang pinagkaiba!

Ang pagpost na ito ni Sunshine ay parte ng isang challenge kung saan hinihikayat ang mga participants na mag-post ng mga ritrato nila na may ten-year gap.

Obviously, lagpas lagpas pa doon ang ginawa ni Sunshine dahil 24 years ang gap ng photos na ipinost niya.

Ano kaya ang sikreto ni Sunshine? Ito ba ay dahil napahiwalay na siya sa dating asawa niya? O di naman kaya dahil sa may bago siyang love life?

How to be you Miss Sunshine? (DELIA CUARESMA)

http://tempo.com.ph/feed/