Mahilig ang mister ko

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 23 Jan 2019 07:04:32 +0000

 

 

alex calleja

ANG column na ito ay ginawa para sa mga ta­ong may suliranin sa bu­hay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*  *  *

Hi Alex,

Nagkakagulo sa pagku­ha ng passport ngayon sa DFA. Kapag nagpa-renew ka, kailangan mo ulit mag­pasa ng birth certificate, at dapat authenticated pa! Panibagong gastos na naman! Nakakainis kasi nagpasa na dati ng birth certificate pero kailangan na naman ngayon! Ano ba ang nangyari?

Jerome ng Malvar, Ba­tangas

 

Hi Jerome,

Nagkakagulo nga dahil nawawala daw ang mga lu­mang data or information na napasa na dati. Nakakainis sa atin dahil panibagong gas­tusin na naman! Pero wala na naman tayong magagawa kung hindi ang sumunod! Dapat gumanti ang mga nasa NSO! Kapag kukuha ka ng authenticated birth certifi­cate, kailangan dala mo ang passport mo!

*  *  *

Hi Alex,

Ang hilig ng mister ko sa basketball, NBA o PBA o kahit anong liga pa yan! Kapag nanunuod ng basketball, hindi mo makakausap! Kapag PBA, Ginebra ang team niya, kapag NBA, Lakers na­man. Kapag natalo ang mga team, malungkot at mainit ang ulo, kapag nanalo, akala mo tumama ng lotto! Kung magkwen­to, akala mo bestfriend niya ang mga basketball players, alam lahat ng detalye! Alam ang points per game, rebounds per game o kung ano ano pang trivia! Bakit ganun ang mister ko?

Melvy ng Pasay City

 

Hi Melvy,

Karamihan talaga sa mga lalake ganyan! Ganyan din ako dati hanggang natauhan ako! Nakikipag-away pa nga ako sa mga kalabang fans! Pero naisip ko, hindi naman ako kilala ng mga players! Sila matataas ang sweldo, ako maliit, kaya tinigilan ko na yan! Nanunuod pa rin ako paminsan-minsan pero hindi na masyado passionate! Mal­amang ang mister mo basket­ball player dati kaya lahat ng pangarap niya sa buhay, mga basketball moves na hindi na niya magawa, sa panunuod na lang niya binubuhos!

*  *  *

Hi Alex,

Mahilig ako sa mga su­perheroes at ang paborito ko ay si Batman! Kayo po Tito Alex, sinong super­hero ang paborito niyo?

Gabby ng Malabon

 

Hi Gabby,

Superman ako! Ang lakas, hindi tinatablan ng bala, mabilis, may apoy ang mata at may x-ray vision pa! Nai­intriga lang ako sa buhok niya! Laging maigsi! Ang linis, clean-cut! Ang tanong ko, saan siya nagpapagupit! Anong gunting ang ginag­amit! Ang tinding gunting nun! Sino ang barber niya! Dami kong tanong!

*  *  *

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

http://tempo.com.ph/feed/