It hurts the first time

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 26 Mar 2019 16:30:24 +0000

 

rica cruz - sexy mind answers

Hello Ms. Rica,

Sabi nga nila ‘once you go black, you’ll never go back.’ Totoo naman po para sakin, pero minsan, dahil sa laki, masakit at mahapdi po. May magagawa pa ba ako?

With a Big Boy

 

Hi With a Big Boy

Madami na ngang nagpa-totoo ng kasabihan na yan. Pero tulad mo ay may bad days din sila ng sexy time. Pero may good news naman: Magagawan naman ito ng paraan! Usually, nagiging masakit ang penetration kung nasobrahan sa pagkastretch ang iyong vaginal walls. At dahil may kalakihan nga ang iyong partner, it’s not surprising if this is the case. Huwag kang mag-alala, over time, mag-aadapt din ang iyong vagina sa size ng iyong boyfriend. Practice lang yan.

Aside from this, pwede ka pa rin naman makipag-sex nang hindi nasasaktan while waiting for your vagina to adapt. Ano ang pwedeng gawin? Lube! Siguraduhin na basang basa ka down there bago mo ipasok si boyfriend para smooth ang transition at maiwasan ang sakit. Naturally, mas mababasa ka kung mas aroused ka. At mas magiging aroused ka kung excited ka sa inyong sexy time. Makakatulong din ang foreplay sa iyong natural lubrication.

Importante din na gumamit ng tamang lubricant. May mga lubricant na nakakahapdi at nakakacause ng irritation sa iyong vagina. Mas magiging masakit sayo ang sexy time kung ganoon. I would suggest na gumamit ka ng water-based lubricant na odor free at flavor free para hindi ka masyado mairritate.

Pwede rin na ang sanhi ng pain mo ay ang inyong sexual position. Kung mahilig ang boyfriend mo ng doggie style, mas malaki ang chance na masaktan ka dahil doon. Try mong mag-experiment ng iba’t ibang posisyon for your convenience. Usually, mas nakakatulong ang woman-on-top position para mas macontrol mo ang lalim at bilis ng pag-penetrate sayo. Kapag ikaw ang in control, mas maiiwasan na ika’y masaktan para sa tuloy tuloy na kasiyahan! 😉

With love and lust,

Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, follow me on Twitter and Instagram: @_ricacruz and www.facebook.com/TheSexyMind

Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist and Sex Therapist. She comes out as the Resident Sex Therapist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

http://tempo.com.ph/feed/