Unahin mo ang mga anak mo!

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 11 Apr 2019 06:33:45 +0000

 

alex calleja

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*  *  *

Hi Alex,

Madami akong alagang aso at ngayong summer, na­pansin ko na dumadami ang mga garapata nila. Ang lalaki at ang tataba. Nakakaawa ang mga asong maraming garapata! Ayaw ko silang nakikitang kamot ng kamot! Ano ba ang gagawin ko?

Malene ng Makati

 

Hi Malene,

Kung ayaw mo silang maki­tang kamot ng kamot, wag mo silang tignan!

*  *  *

Hi Alex,

Summer na naman at usong-uso ang pagpunta sa iba’t ibang lugar para mag­bakasyon. Lahat ng mga friends ko ang daming post sa social media ng mga va­cations nila. Yung isa kong friend, nasa Boracay, ang daming selfie! Yung isa ko namang friend, nasa El Nido, ang daming selfie! Yung isa ko namang friend, nasa Japan, ang daming selfie! Nakakainggit! At halos taon-taon nilang ginagawa ito! Gusto ko sila gayahin pero wala akong pera! Ano ba ang dapat kong gawin para makasabay sa mga friends ko?

Karla ng Taguig

 

Hi Karla,

Kung may naipon ka ng konti, punta ka Boracay, magselfie ka ng madami, magpalit ka ng damit, mag-iba ka ng style ng buhok, then mag-selfie ka ulit. Palabasin mo na ang mga selfie mo ay kuha taon-taon! Post mo sa social media mo, kunyari compilation ng mga vacation mo sa Boracay taon-taon! Ngayon, kung wala ka talagang pera, maghanap ka ng kaibigang magaling sa photoshop! Lahat ng mga lugar na gusto mong puntahan, photoshop mo sarili mo tutal mayabang ka!

*  *  *

Hi Alex,

May dalawa akong anak at laging nasa arawan dahil summer ngayon. Napansin ko na kamot sila ng kamot. Habang pinapaliguan ko, nakita ko na puro sila lisa at kuto. Nakakainis dahil may aso din kami na puro garapata naman! Ako nga pala yung sumulat sa’yo na may garapata ang mga aso ko. Ano ba ang dapat kong gawin sa mga kuto at lisa ng anak ko?

Malene ng Makati

 

Hi Malene,

Nakakatuwa ka naman, mas nauna mong isulat ang problema ng aso mo kesa sa mga anak mo! Nabasa mo ba ang sagot ko sa’yo sa itaas? Ngayon, ito naman ang sagot ko sa problema ng anak mo! Ano ang gagawin mo sa lisa at kuto ng mga anak mo, i-train mo, turuan mo ng mga tricks! Kapag natuto, ipasok mo sa perya or karnibal para pagkakitaan mo!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

http://tempo.com.ph/feed/