La Aunor reunion movie tuloy pa rin

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 17 Jul 2019 07:01:58 +0000

timing box

 

 

SAYANG at naudlot ang reunion movie nina Nora Aunor, Christopher de Leon, at Tirso Cruz III. Diumano, schedule ang dahilan kaya tinanggihan ng dalawang aktor ang project na si Joel Lamangan ang direktor.

May conflict daw sa shooting schedule ni Christopher sa isang pelikulang ginagawa niya. May prior commitment naman daw si Tirso abroad.

Ibang version naman ang nakarating sa amin na diumano, hindi interesado sina Christopher at Tirso sa project.

NORA Aunor (IG)

NORA Aunor (IG)

Nang tanungin nga raw si Christopher, ewan kung pabiro o seryoso ang sagot niya na, “Magkano?” Talent fee siguro ang ibig niyang sabihin.

May nakarinig naman daw na nag-comment ng hindi maganda ang isang anak ni Tirso tungkol sa reunion project (sana) ng kanyang daddy with Nora.

Whatever ang dahilan nina Christopher at Tirso, tuloy pa rin ang pelikulang pagbibidahan ni Nora. Sa gaganaping storycon ang announcement kung sino ang ipinalit kina Christopher at Tirso.

May isa pang pelikulang nakatakdang gawin si Nora, ang “Ninang Corazon” na si Arlyn dela Cruz ang direktor. Na-stroke si Direk Arlyn at nagpapagaling pa, kaya hindi pa masimulan ang shooting.

http://tempo.com.ph/feed/