Snooky Serna iba kung umatake

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 18 Jul 2019 18:33:49 +0000

 

SNOOKY Serna (FB)

SNOOKY Serna (FB)

WALA pa ring kupas sa pag-arte ang aktres na si Snooky Serna.

Marami ang nakakapansin sa husay ng pagganap niya bilang Salida Calliste na con­travida sa “Sahaya,” ang primetime teleserye ng GMA-7.

Isang Badjao na galit na galit sa mag-inang Sahaya at Manisan na ginagampanan nila Bianca Umali at Mylene Dizon si Salida.

Hindi namin matandaan kung nag-contra­vida na si Snooky dati at kung first time niya ito, bilib kami.

Manggigigil ka talaga sa kanya dahil iba ang kanyang atake bilang contravida.

Natanong ng Tempoang manager niyang si Leo Dominguez kung okay lang na matypecast bilang kontrabida si Snooky.

“Wala naman problems basta markado ang role,” tugon niya.

Nag-umpisang sumikat si Snooky noong ‘70s as a childstar. Simula sa pelikulang “Wanted: Perfect Mother” nagkasunud-sunod na ang pelikula niya. Nagkaroon pa nga siya ng acting award sa pelikulang “My Little Angel.”

Tuluyang pumaimbulog ang showbiz career ni Snooky nang maging teenager siya and the rest ika nga is history.

Take note, sa edad niya ngayon napapana­tili pa rin ni Snooky ang angking ganda. Ito ay kahit hindi siya nakablusang itim.

Bakit blusang itim?

Signature film ang “Blusang Itim” na ipi­nalabas noong 1986. Katambal niya noon si Richard Gomez. Pinilahan sa mga sinehan ito.

Niremake ito pero iba pa rin ang isang Snooky Serna. May mga nagsasabi mag­papayat lang daw si Snooky, paniguro may mga kakabugin pa rin itong mga youngstar ngayon.

Kung may nagbago man kay Snooky ito ay ang pagiging malu­manay niya.

Napansin ng karamihan na malumanay na ito kau­sap at hindi na kagaya dat i na medyo tak­lesa. (DANTE A. LAGANA)

http://tempo.com.ph/feed/