Yves Flores muntik nang sumuko

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 17 Sep 2019 11:02:37 +0000

 

YVES Flores (IG)

YVES Flores (IG)

PINANINDIGAN pa rin ng Ka­pamilya aktor na si Yves Flores na mas gusto niyang maging private person sa kabila ng pagpasok niya sa showbiz.

Aniya, “kasi sa akin, parang binibigay ko na yung sarili ko sa TV na napapanood ako. Hinahayaan ko na yung mga tao na malaman nila yung tungkol sa akin pero yung loob-looban, yung pinaka ako at kung anong ginagawa ko sa bahay sa akin na iyon siyempre. Iba na iyon e. Hindi ko talaga binibigay sa tao.”

Abala si Yves. May ilan na siyang natapos na movies. Isa na rito ang “Lola Igna” at pati na rin ang “Block Z.”

Kamakailan ay nag-training siya sa army kasama sila Gerald Anderson, Elmo Magalona, Jerome Ponce at iba pa.

“Mahirap siya pero mahirap na masaya nung una umiiyak na kami gusto na naming sumuko. Alam mo yung naiy
http://tempo.com.ph/feed/