Marian Rivera, Heart Evangelista nagkita kaya?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 12 Nov 2019 09:45:36 +0000

timing box

 

 

PAREHONG dumalo sina Marian Rivera at Heart Evangelista sa Thanks­giving Party ng GMA7.

Nagkita kaya sila?

Ilang years na ang lumipas since nagkaalitan sina Heart at Marian. Wala kayang namamagitan para magkaayos sila?

HEART Evangelista (FB)

HEART Evangelista (FB)

Nag-effort si Marian na mag­kaayos sila ng former manager niyang s i Popoy Carita­tivo. Humingi pa nga siya ng tulong sa tal­ent nitong si Dennis Trillo.

Okay na rin sina Marian at Lovi Poe. Bas­ta nagkabati na lang sila noong nag-guest si Lovi sa “Sunday Pi­nasaya.”

Si Heart, never pa yatang nag-guest doon kapag may ipino-promote siyang show or whatever.

Sadya bang nag-iiwasan sila ni Mar­ian? Just asking!

 

MAKABAYAN

Kung puro branded ang mga damit, sapatos, bags at iba pang stuff ni Heart, mga gawang Pinoy naman ang mga isinusuot ngayon ni Marian.

MARIAN Rivera (FB)

MARIAN Rivera (FB)

Sinasadya ba ito?

Kwento ni Marian, ibinenta na niya ang mga designer clothes, shoes and bags niya.

Ayaw daw niyang makipag-kumpitensiya sa mga celebrity na ipinag­mamalaki pang branded ang kanilang mga gamit.

Puro local na lang ang ginagamit niya ngay­on.

At kung si Heart mad­alas abroad, mas gusto ni Marian libutin ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas, kesa sa labas ng bansa.

 

LANTARAN NA

Sa kabila ng mga saksi sa ginawang eskandalo ni Bianca Umali sa parking lot ng Megamall kung saan muntik daw siyang masagasaan, itinanggi pa rin ito ng buong ningning ni Ruru Madrid. Wala raw ganoong insidente. Huwag na raw pag-usapan ‘yun.