Rhian Ramos, may new BF

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 14 Nov 2019 11:56:04 +0000

timing box

 

 

 

ISRAELI ang bagong boyfriend ni Rhian Ra­mos. Kasama niya ito sa premiere night ng pelikula ng friend niyang si Lovi Poe. Ang Chinese businessman na si Jason Choachuy ang huling BF ni Rhian. Mahilig ito sa car racing at na-influence nito si Rhian. Nag-dyo-join pa ang Kapuso actress sa car racing competition. Nag-break sila a few years ago.

RHIAN Ramos (FB)

RHIAN Ramos (FB)

Through common friends, nag­kakilala last year si Rhian and her new BF na si Amit Borsak. Almost a year na silang in a relationship.

Isang self-employed si Amit, from Tel Aviv, Israel. He lives in Los Angeles, California, USA.

Noong una raw, reluctant pang makipag-date si Rhian kay Amit when he asked her for a date. Sa kapipilit niya, napapayag niya rin si Rhian.

 

TOM Rodriguez and Carla Abellana (IG)

TOM Rodriguez and Carla Abellana (IG)

IKAKASAL NA

Relationship goal sina Tom Rodri­guez at Carla Abellana sa Youtube video ng aktres. ‘Kaaliw panoorin ang “My boyfriend does my make-up challenge” kung saan si Tom ang nag-make-up sa kanyang girlfriend.

Comment ng isang fan, “One of the cutest couples on earth.” Looking forward ang kanilang fans and sup­porters sa kanilang altar-date. Kailan nga ba ang kasal? ‘Heard, nagpapa­gawa na sina Tom at Carla ng kanilang dream house.

Si Carla ang bumili ng lote at si Tom naman ang bahala sa pagpapagawa ng bahay na titirahan nila kapag kasal na sila.

Abangan ang upcoming teleserye ng TomCar, “Love of my Life” sa GMA7 with Rhian Ramos and Coney Reyes.

GLORIA Romero

GLORIA Romero

 

AYAW NA

Tsika ng isang source, halos ayaw na raw bumangon ni Glo­ria Romero dahil sa vertigo. Hilong-hilo raw ang veteran ac­tress. Matagal na siyang hindi nakakapag-taping ng “Daig Kayo ng Lola Ko” at pansamantalang pinalitan siya ni Nova Villa.

Nabibilang na ang mga araw sa ere nito at papalitan ito ng isang show na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla. Yes, tuloy ang pagbabalik-telebisyon ng actor-politician kahit ayaw ni Jim Paredes.