Pelikula ni John Lloyd at Bea postponed muna

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 26 Oct 2020 09:43:57 +0000

BY ROWENA AGILADA

 

Hopefully next year ay matuloy na ang reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.  Kasado na ang project sa gitna ng  pandemic.

Si Cathy Garcia-Molina ang direktor na excited na muling makatrabaho si JLC. Nami-miss na raw niya ito.

Ipinagpaliban ang shooting dahil ayon kay Direk Cathy, hindi niya kayang mag-shoot na may physical distancing.  Mahihirapan siya.

Umaasa pa rin siya  na mapu-push through ang project next year. Hopefully, wala nang pandemic at maging maayos na ang sitwasyon.

Sobrang komportable

Sobrang komportable na sa isa’t isa sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Hindi na sila nagkakahiyaan. Pati pag-utot ay nagagawa na nilang biro sa isa’t isa.

Ani Barbie, kapuwa  walang tunog ang utot nila ni Jak.  Naaamoy na lang nila at alam nila kung sino ang umutot sa kanilang dalawa kapag sila lang ang magkasama.

Ayon kay Barbie, noong una’y hindi niya bet si Jak.  Hindi niya ito pinapansin noong nagkatrabaho sila sa “Meant to
http://tempo.com.ph/feed/