Murang exercise

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Sun, 22 Nov 2020 16:05:17 +0000

 

BY ALEX CALLEJA

 

 

aex alexsyon alex calleja

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*

Hi Alex,

Dahil sa pandemic at lagi lang ako sa bahay, nagsimula ako mag-exercise. Gusto ko kasi magpalaki ng katawan and of course gusto ko maging healthy. Sabi nila push up daw ay sapat na para lumaki ang katawan. Sabayan daw ng jumping jack kapag hindi makatakbo sa labas o walang treadmill. May alam ba kayo na mga exercise na puwedeng lumaki ang katawan ko na hindi gagastos ng mahal?

Stan ng Quiapo

 

Hi Stan,

Wala akong masyadong alam diyan dahil matagal na akong sumuko sa pagpapalaki ng katawan. Masipag lang ako sa una, after one month, tinitigil ko na kasi masakit sa katawan! Wala akong tiyaga! Ang dapat mo atang tanungin diyan sa mura at walang gastos na pagpapalaki ng katawan eh ang mga construction worker. Kasi napansin mo ba, ang gaganda ng mga katawan ng mga construction workers, may mga abs, ang gaganda ng mga muscles! Anong madalas nilang buhatin, semento, buhangin, at mga kahoy. Saka may barbell man sila, gawa sa lata ng Nido at nilalagyan lang ng semento. Mabuti pa sila ang tanungin mo o kaya, magtrabaho ka bilang construction worker! Kumikita ka na, lalaki pa ang katawan mo!

*

Hi Alex,

Nabalitaan mo ba Tito Alex ang academic strike na gagawin ng mga student? Hindi raw sila papa
http://tempo.com.ph/feed/

Leave a Reply