Tuesday, October 20, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Akyat-bahay na tumangay ng mga studio equipment sa Mandaluyong, kalaboso

Kalaboso ang isang 38 anyos na lalaki matapos niyang pasukin at tangayin ang mga gamit sa isang photo studio sa Barangay Bagong Silang, Mandaluyong City, madaling araw noong Huwebes, Oktubre 8.

Kabilang sa mga tinangay ng suspek ay ang mga mamahaling camera at ilaw na aabot sa P1.9 million ang halaga. 

Lumalabas sa imbestigasyon na sinira ng suspek ang grills sa bintana ng studio kaya niya ito napasok. 

“No’ng nag-settle down ako sa studio parang nahalata ko na may mga nawawala. No’ng nakita ko nawawala ‘yong bag sabi ko yari, ‘yong chineck ko ‘yong cctv ng studio nakita ko na may pumasok and na-discover ko na lahat ng kinuha niya,” saad ng biktimang si alyas Jay. 

Nahuli ang suspek sa ikinasang hot pursuit operation ng Mandaluyong PNP nitong Biyernes sa kanyang bahay sa Bgy. Hagdan Bato Itaas, Mandaluyong City. 

“Meron siyang kinuhang white na bag. Pinagsama-sama niya doon ang mga gamit. Inalis niya sa mga bag at casing. ‘Yon nga ang naging palatandaan natin na nagkaroon kami ng tracing sa CCTV. Nasundan na natin,” saad ni PCol. Reynam Patam, hepe ng Mandaluyong CPS.  

Na-recover pa ang ilang gamit sa suspek pero naibenta na niya umano sa junkshop ang iba. 

“Kung bibigyan po akong isang pagkakataon alang-alang na lang po sa mga anak ko. Kung gusto ko po talaga ibenta ‘yon dapat di na nila inabutan sa akin ‘yon. Wala po talaga akong alam sa gano’ng halaga. ‘Yong binenta ko na nasira ko, talagang kalakal lang po e,” saad ng suspek. 

Sa record ng Philippine National Police, dati nang nahatulan ang suspek sa kasong illegal possession of firearms.

Mahaharap naman siya ngayon sa kasong robbery.

Leave a Reply