Sunday, October 18, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Sunog sumiklab sa imbakan sa Parañaque

Sumiklab ang sunog sa isang storage area sa Sun Valley Drive, Barangay Sun Valley, Parañaque City nitong Lunes ng umaga, Oktubre 12. 📸: BFP Parañaque City

MAYNILA — Sumiklab ang sunog sa isang storage area sa Sun Valley Drive, Barangay Sun Valley, Parañaque City nitong Lunes ng umaga, Oktubre 12.

Umabot sa unang alarma ang sunog na naiulat bago mag-alas-6 ng umaga. Naapula ito ganap na 6:29 ng umaga.

Kinailangang butasin ng mga bumbero ang bahagi ng pader ng imbakan para mapabilis ang pag-apula sa apoy.

Tumambad sa kanila ang makapal na usok at mga natupok na gamit sa loob.

Ayon sa BFP Parañaque, wala namang nasaktan sa insidente, habang patuloy pa nilang iniimbestigahan ang sanhi nito.


KAUGNAY NA VIDEO

Leave a Reply