Vice Ganda, ni-reveal ang sikreto sa HAPPINESS niya | It’s Showtime
Kung sa ngayon ay fantasy pa lang ang success story, keep on dreaming hanggang maging reality. Samahan ng diskarte, sipag, at positivity, baka bukas mag-good morning na sa’yo ang inaasam na victory.
For your dose of Monday motivation, hear Vice Ganda, Jhong Hilario, and Vhong Navarro’s nakaka-good vibes na pep talk for the nation. Maagang napagod at napasabak sa ‘Inglesan’ ang magkakaibigan pero worth it naman dahil sa magagandang mensahe na kanilang binitawan sa “It’s Showtime.”
Ibinahagi ng tatlo kung bakit grateful ang kanilang mga puso. Sina Vhong at Jhong, grateful sa energy ng Madlang People at sine-celebrate nila ang gift of life. Si Meme Vice naman, grateful sa mga taong nakapaligid sa kan’ya. “I choose to celebrate the people around me. Life may be hard but it is easier when you have people around you,” sabi ni Vice.
Samantala, ang tatlong Miss Q and A kandidata, fantasy today ay maputungan ng korona. Wit at pangmalakasang talak ang sandata para ‘yan ay magkatotoo na. Living their dreams sina Iwa Servantes, Bini Ricka Ricaberte, at Elthon Bequio.
Kanya-kanya silang pagbibida sa mga bayang sinilangan dahil bitbit nila ang bandera ng kanilang mga pinagmulan. Pero upang makaabante sa major talakan, dapat mabilis muna sa pindutan. ‘Yun lang! Si Iwa ang napag-inawan, samantalang sina Bini Ricka at Elthon ay nag-face off sa Wit Lang.
Walang pahinga, ratsada ang chukchak ni Elthon sa nabunot niyang tanong na, “Matalino ba ang bobo-yog?” Kaya biro ni Meme sa isa pang kandidata na si Bini Ricka, bawal mag-back out! Well, no! Lumaban si Bini Ricka sa tanong na, “Sinong kainuman ng lasing sa kapangyarihan?”
Pero sa dulo, isa lang ang pwedeng itanghal na panalo. Ang korona ngayon ay napunta kay Elthon, ang Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.