Wednesday, October 14, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

57-anyos lalaki pinagtulungan umanong patayin ng misis, 3 anak sa Bacoor

Tadtad ng saksak at wala nang buhay nang matagpuan ang isang 57-anyos na lalaki sa loob ng kaniyang bahay sa Bagong Silangan, Barangay San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite noong Linggo ng umaga, October 11. Courtesy: Bacoor CCPS via Bea Cuadra, ABS-CBN News

MAYNILA — Tadtad ng saksak at wala nang buhay nang matagpuan ang isang 57-anyos na lalaki sa loob ng kaniyang bahay sa Bagong Silangan, Barangay San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite noong Linggo ng umaga, October 11.

Inaresto ng mga awtoridad ang 62-anyos na asawa ng biktima at ang tatlong anak nito na edad 38, 33, at 24 anyos matapos silang ituro ng isang testigo na nasa loob ng tahanan habang nakahandusay at duguan ang biktima.

Ayon kay Lt. Col. Alexie Desamito, hepe ng Bacoor Component City Police Station, narinig ng testigo ang pagtatalo sa loob ng bahay kaya sinubukan nitong sumilip.

“Nagtatalo nga daw po yung pamilya doon sa loob, yung mag-asawa particularly. And may narinig sila na parang nagbububugan sa loob. So, may mga naglakas ng loob po na silipin kung ano yung sitwasyon sa loob. So, yung witness natin na nahanap ay sinabi niya po mismo na nakita niya yung pamilya sa loob, pati po yung lalaki na nakahiga na, yung biktima nga po, na duguan yung mukha,” pahayag ni Desamito.

Tinakot pa umano ng mag-iina ang testigo upang pigilan itong magsumbong.

“So nung napansin po nila na tinitignan nung witness natin yung nangyayari sa loob, sinabihan siya ngayon na walang nakita. So, pansamantala po nanahimik po si witness,” dagdag ng hepe.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na madalas mag-away ang mag-asawa dahil sa pagsusugal at paglalasing ng misis.

“Madalas pong umuwi ng lasing at galing sa sugalan yung kanyang legal wife. At ito pong victim ay napupuno na rin at sinusumbat niya yung effort niya sa family na siya lang daw ang bumubuhay sa kanila. At pagdating niya ay wala man lang maabutan na pagkain. So yun yung madalas na naririnig ng mga kapitbahay. Hanggang dun sa gabi na yun, madaling araw na yun, yun po ang eksena,” ani Desamito.

Nakita rin aniya ng testigo na inutusan ng ina ang isa sa mga anak na labhan ang duguang damit. Gumawa rin umano ng alibi ang mag-iina kinabukasan upang ilihis ang imbestigasyon ngunit tinutukan ng pulisya ang posibleng pagkakasangkot ng tatlong anak sa pagtatakip sa krimen.

“So the following morning ayun po yung cover story nila na accordingly ay nadatnan na lang daw nila si victim na nakahilata sa ganoong sitwasyon at hindi nila matukoy kung sino ang suspect at yun ang nagtrigger sa atin para mas laliman po yung investigation. Ayon sa mga witnesses, ang itinuturing po nilang suspect ay yung mag-iina po,” pahayag ni Desamito.

ISANG ANAK UMAMIN UMANO

Kinalaunan, umamin din ang isa sa mga anak na ang kaniyang ina ang nasa likod ng pagpatay sa amain.

“Noong na-corner na po yung mag-iina, umamin na rin po yung anak na babae at tinuturo nila at inaako naman ng ina na siya lahat ang responsable doon sa pangyayari po,” dagdag ni Desamito.

Hindi pa tukoy ang bilang ng mga tama sa mukha at ulo ng biktima dahil hinihintay pa ang opisyal na resulta ng autopsy. 

Iniimbestigahan din kung natutulog ang biktima o nagawa pang manlaban nang siya’y pagtatagain at pagsasaksakin.

Narekober noong Lunes ang isang itak sa loob ng bahay na itinurnover ng mga opisyal ng barangay sa pulisya, at kasalukuyan nang sinusuri kung ito ang ginamit sa pagpatay.

Samantala, tumangging magbigay ng pahayag ang asawa ng biktima at sinabing, “Sa [korte] na lang po ako magsasalita.”

Mariin namang itinanggi ng tatlong anak ang paratang na sangkot sila sa pagpaslang sa amain.

“Hindi po yun totoo… Nandun ako sa bahay ng amo ko kasambahay ako stay-in. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung detalye na yan… Sila mama po yun madalas mag-away, simula bata kami ganyan na sila mag-asawa… kahit lahat ng kapitbahay alam na lagi yan sila kaya talagang kaming tatlong magkakapatid talagang wala kami diyan labas kami diyan hiwa-hiwalay kami ng bahay eh,” paliwanag ng 24-anyos na bunsong stepdaughter ng biktima.

Depensa naman ng 33-anyos na anak na babae, ginising na lang siya ng kapatid para ipaalam ang nangyari.

“Wala naman ako kasalanan… Di naman ako umano dun eh… Pagdating ko madami na tao,” giit nito.

“Hindi ko po alam kasi hindi naman ako palagi pumupunta sa kanila eh… Wala po kami dun… Di rin namin alam,” dagdag ng 38-anyos na panganay.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mag-iinang suspek na nahaharap sa reklamong parricide

KAUGNAY NA VIDEO

Leave a Reply