Nurse pinagsasaksak, sinakal; alahas, tinangay
MANILA — Patay ang isang 57-anyos na lalaking nurse matapos saksakin nang limang beses at sakalin loob ng kanyang bahay sa Brgy. Mabini Homesite, Cabanatuan City, Nueva Ecija noong umaga ng Martes.
Ayon kay PLtCol. Lester Zafra, officer-in-charge ng Cabanatuan City Police Station, nadiskubre ng 67-anyos na kasambahay ang bangkay ng biktima bandang alas-11:05 ng umaga nang puntahan nito ang silid ng nurse.
Batay sa paunang imbestigasyon, posibleng ginamit ang paa ng isang kahoy na upuan upang sakalin ang biktima bago ito saksakin nang limang beses gamit ang kutsilyo.
May narinig umanong kalabog mula sa silid ng biktima ang kasambahay ngunit hindi nito pinansin.
Nadiskubre na lamang ang krimen nang puntahan ng kasambahay ang silid matapos hindi gumising nang maaga ang biktima, na nakagawian nitong gawin.
“Nawawala iyong mga suot na alahas ng biktima at ang huling nakitang kasama niya ay iyong kaibigan niyang lalaki,” sabi ni Zafra.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.
Wife, 3 children arrested over man’s brutal death in Bacoor
Road rage suspect arrested after chasing, ramming SUV to Lipa police station