Thursday, October 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Labanderang hindi umano nagpautang pinatay, ginahasa sa Talisay City

BABALA: SENSITIBONG BALITA
Nakasilid sa sako ng feeds ang bangkay ng isang babae nang matagpuan sa Hacienda Santa Catalina, Barangay Dos Hermanas, Talisay City, Negros Occidental noong Martes ng gabi, Oktubre 13. Courtesy: Talisay City Component Police Station via  Richard Caballero Jr. 

TALISAY CITY, Negros Occidental — Nakasilid sa sako ng feeds ang bangkay ng isang babae nang matagpuan ito sa Hacienda Santa Catalina, Barangay Dos Hermanas, Talisay City, Negros Occidental noong Martes ng gabi, Oktubre 13.

Ayon sa ulat ng mga pulis, ini-report umano ng dalawang lalaking nagtatrabaho sa malapit na farm ang masangsang na amoy mula sa isang sapa.

Agad na pumunta ang pulis at nakita ang bangkay na nakasilid sa sako.

Naghinala ang mga pulis kung bakit ito nakita ng dalawang lalaki kahit na sobra sa isang kilometro ang layo nito sa kanilang pinagtatrabahuhan na farm.

Agad na naging person of interest ang dalawa at kalaunan, umamin rin na sila ang humampas ng dos por dos sa likod ang biktima, tinalian ito, at ginahasa.

Nagtatrabaho bilang labandera sa kaparehong farm ang 33 anyos na biktima.

Nag-ugat ang pamamaslang matapos umano hindi pahiramin ng biktima ng pera ang dalawang suspek.

Umamin rin ang mga suspek na gumagamit sila ng ilegal na droga.

Oktubre 8 pa nawawala ang biktima, ayon sa kanyang live in partner.

Ngayong araw, isasampa na ang kasong murder sa dalawa habang iniimbestigahan pa ang posibleng pagsasampa ng kasong rape.

 
          

Leave a Reply