1, 2, 3 go! Mga kandidata, nilaro ang tanong sa Miss Q&A | It’s Showtime
Kumusta ang sweldo? Malapit na bang maubos? Basta, dito sa “It’s Showtime,” hinding-hindi mauubos ang good vibes! Huwag nang ma-pressure. May mga bagay man na mabilis mawala, mabilis din naman kayong pasasayahin ng “It’s Showtime” family.
Sa “Miss Q and A,” bawat tanong may kasamang excitement at thrill. Stick to friendly competition lang sina Kim Sumaway, Freda, at Queen Sam Ri. Sisterly bond nila ay tumibay na backstage. Pero huwag malilito, hindi si Freda ang “kuya” sa kanilang tatlo!
Laroooo! Sa pagsisimula ng competition, hagalpak sa tawa ang buong nation dahil ang mga kandidata, 1, 2, 3, go, kanya-kanyang hula sa tanong. Ano nga ba talaga ang alyas ni Robert Jaworski sa basketball? Sa hinaba-haba man ng tanungan, na-shoot pa rin ang bola at nakapuntos sina Queen Sam Ri at Freda. Sila ang nag-face-off sa Wit Lang round!
Ang goal ng mag-sissy, galingan para mag-tie ang resulta. Nabunot ni Queen Sam Ri ang tanong na, “Ano ang nararamdaman ng lagayan ng ice cream na paksiw ang laman niya?” Samantala, ang kay Freda, “Kailan ba dapat inaani ang bungang araw?”
Umani ng korona ang dalawang nakakaaliw at witty na accla. Manifestation is real dahil ang wish nilang mag-tie, nagkatotoo nga! Parehong itinanghal na Miss Q&A Reyna Talak-Era of the day sina Freda at Queen Sam Ri.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.