‘Magbabago na ako’: Umano’y pusher nahulihan ng P2.2M hinihinalang shabu sa Maynila
Kulong ulit ang isang construction worker matapos mahulihan ng nasa 400 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.2 milyon sa buy-bust operation sa Malate, Maynila kamakailan. Arestado rin ang kasabwat umano niya. Jessie Cruzat, ABS-CBN NewsMAYNILA — Kulong ulit ang isang construction worker matapos mahulihan ng nasa 400 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.2 milyon sa buy-bust operation sa Malate, Maynila kamakailan.Kasamang naaresto noong Miyerkules, Oktubre 14, ang isang seafarer na kasabwat umano ng construction worker.
Ani PMaj. Philipp Ines, tagapagsalita ng Manila Police District, nakulong na ang 48 anyos na suspek noong Enero dahil rin sa pagtutulak umano ng ilegal droga pero nakapagpiyansa kalaunan.
Ayon sa suspek, nagawa niya ang pagtutulak ng droga para may panggastos sa araw-araw.
“Paglabas ko, magbabago na ako. One hundred percent magbabago na ‘ko. Pangako ko sa sarili ko ‘yan sa asawa at anak ko. Sana hindi sila magsawa sa ’kin,” dagdag niya.
Itinanggi naman ng seafarer na kasabwat siya sa ilegal na transaksyon.
Nakakulong ang dalawa sa Manila Police District at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Mula Enero 1, 2026 hanggang Oktubre 19, 2026, nasa 1,325 na indibidwal na sangkot umano sa ilegal na droga ang naaresto ng Manila police.
Tinatayang nasa P75 milyon ang halaga ng ilegal na drogang nakumpiska sa naturang panahon.