Saturday, October 31, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Myembro ng LGBTQ patay nang hampasin ng bato ng ‘ka-meet up’ sa Tagum City

Nakahandusay, duguan, at wala nang buhay nang madatnan ang 33 taong gulang na lalaking miyembro ng LGBTQ sa isang bakanteng lote sa Bgy. Apokon, Tagum City, Davao del Norte, Sabado ng umaga. Contributed via Hernel Tocmo

TAGUM CITY — Nakahandusay, duguan, at wala nang buhay nang madatnan ang 33 taong gulang na lalaking miyembro ng LGBTQ sa isang bakanteng lote sa Bgy. Apokon, Tagum City, Davao del Norte, Sabado ng umaga.

Wala na umanong suot pang-ibaba ang biktima nang matagpuan ng isang street sweeper.

Arestado naman ang lalaking si “Andre” na itinuturong suspek sa krimen.

Batay sa imbestigasyon ng Tagum City Police, nagkayayaan umano ang dalawa, ngunit hindi umano nagbayad ang biktima na ikinagalit ng suspek.

Ayon kay Lt. Col. Edgardo Bahan, hepe ng Tagum City Police, galing inuman ang dalawa.

“Nagalit yung suspek kasi may napagkasunduan sila na amount tapos after may nangyari sa kanila, hindi naman daw nasunod yung napag-usapan,” ani Bahan.

Maaaring maharap sa kasong homicide ang suspek, ayon sa pulisya.

            

Leave a Reply