2 lalaki huli sa pagnanakaw ng telco equipment, kable ng kuryente sa QC
Timbog ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na insidente ng pagnanakaw ng telecommunication equipment at kable ng kuryente sa Quezon City noong nakaraang linggo. QCPD via CA Sitson & Contributed/MeralcoMAYNILA — Timbog ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na insidente ng pagnanakaw ng telecommunication equipment at kable ng kuryente sa Quezon City noong nakaraang linggo.
Arestado noong Linggo, Oktubre 18, ang isang 39-anyos na lalaki matapos maaktuhang nagnanakaw ng telecommunication equipment sa Barangay Phil-Am, Quezon City.
Ayon kay Lt. Col. Edgar Escreza, commander ng QCPD Masambong Police Station 2, naaktuhan ng nagpapatrolyang mga pulis ang suspek habang pwersahang binubuksan ang isang telco cabinet sa tabing-kalsada.
“Nagtaka yung mga patrollers (kasi) kung authorized na agent o trabahador ng isang telecommunication agency they will not use any power tools kaya noon nilapitan nila yung ating mga suspek,” ani Escreza.
Arestado ang isang 39-anyos na lalaki matapos maaktuhang nagnanakaw ng telecommunication equipment sa Barangay Phil-Am, Quezon City, noong Linggo, Oktubre 18. Courtesy: QCPD via Christopher SitsonNabawi mula sa naarestong suspek ang dalawang ninakaw na battery inverter na nagkakahalaga ng P290,000, kasama ang sinirang padlock at ginamit na power tool.
Dalawa naman sa mga kasamahan ng lalaki ang agad na tumakas sakay ng isang closed van matapos sitahin ng mga nagpapatrolyang pulis.
Depensa naman ng suspek na isa umanong electrician, nadamay lamang siya matapos ayain ng mga kasamahan na mag-ayos ng power supply kapalit ng P1,500.
“Hindi ko naman po alam na yun ang gagawin nila. Nadamay na lang po ako. Akala ko naman po legit yung gagawin nilang trabaho,” sabi ng suspek.
Iniimbestigahan na ng QCPD kung bahagi ang tatlo ng isang grupo ng mga kawatang target ang mga telco equipment sa lungsod.
“Kunware nagche-check yun pala doon nila isinasagawa yung kanilang masamang balak. Makikipag-coordinate tayo sa Land Transportation Office para roon sa rehistro at pagkakakilanlan ng sasakyan,” sabi pa ni Escreza.
Kasalukuyan nang nakakulong sa Masambong Police Station ang suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act, habang patuloy naman ang manhunt operation sa dalawa pa nitong kasabwat.
Sa imbestigasyon, nalamang ginagamit ng suspek ang mga nakaw na kable para mag-jumper sa tinatayang nasa 30 hanggang 40 pamilya sa lugar. ContributedSamantala, arestado rin ang isang lalaki matapos mahuli sa aktong nagnanakaw ng kuryente o pagja-jumper sa West Riverside, Barangay San Antonio, Quezon City noong Huwebes ng gabi, Oktubre 15.
Nakuha mula sa 43-anyos na suspek ang mga nakaw na kable ng kuryente, isang martilyo, pliers, at dalawang improvised na pait (chisels).
Nakuha mula sa 43-anyos na suspek ang mga nakaw na kable ng kuryente, isang martilyo, pliers, at dalawang improvised na pait (chisels). ContributedSa imbestigasyon, nalamang ginagamit ng suspek ang mga nakaw na kable para mag-jumper sa tinatayang nasa 30 hanggang 40 pamilya sa lugar.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7832 o Anti-Electricity Pilferage Act ang suspek at maaaring maparusahan ng pagkakakulong at multa mula P50,000 hanggang P100,000.
Muli namang hinimok ng Meralco ang publiko na i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kaligtasan at integridad ng serbisyo ng kuryente.