Thursday, October 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

‘Vegetable basket’ booth nasunog sa Dumaguete; 9 sugatan

Siyam na indibidwal ang nagtamo ng minor burns matapos matupok ng apoy ang giant vegetable basket booth ng Canlaon City government sa Freedom Park ng Dumaguete City, Negros Oriental, bandang alas-9 ng gabi nitong Miyerkules, Oktubre 21.

Kinumpirma ng Buglasan Festival Multi-Agency Coordinating Committee ang insidente. 

Agad nabigyan ng paunang lunas ng mga medical team ang mga biktima bago sila dinala sa Negros Oriental Provincial Hospital at Silliman University Medical Center.

Mabilis na nakapagresponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa lugar at tuluyang naapula ang apoy ganap na 9:15 ng gabi.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad na may kaugnayan sa linya ng kuryente ang naging sanhi ng sunog.

Dahil sa insidente, inatasan ni Negros Oriental Governor Manuel Sagarbarria ang organizer ng aktibidad na magsagawa ng inspeksyon sa lahat ng mga booth sa festival area upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Leave a Reply