Zaijian Jaranilla on being naturally protective: ‘Mas ipapakita ko sa gawa na pangangalagaan kita’
Zaijian Jaranilla recently earned praise from netizens after coming to the defense of his underage co-star Kanye Avendaño who was asked an inappropriate question by a member of the entertainment media during the press conference for their upcoming advocacy film, Guryon. The actor said that he couldn’t help but have his natural protective instincts kick in, especially since he is also a big brother in real life.
“Siguro po ganun na nga yung nangyari sa akin dahil prino-protektahan ko rin yung mga kapatid ko. At kung mangyari man yun siguro sa ibang tao, sa mga kapatid nila, babae man yan, nakababatang kapatid mo na babae o lalake, panigurado yun din naman yung magiging initial reaction mo. Po-protektahan mo talaga,” he shared in an exclusive interview with PUSH ABS-CBN during the QCinema Film Festival mediacon held last October 22 in Quezon City.
Zaijian is the eldest of three siblings and has two younger brothers named Zymic and Zildjian. The talented actor, who stars in the QCinema short film entry Sana’y Nandito Ka, talked about his siblings with obvious affection during the interview, even though he also admitted to being a strict kuya.
“Kasi ang mga kapatid ko ay puros lalake, puro kami lalake. Sa family namin, ako yung parang strict ako in a way na parang oh sige gawin mo lahat ng gusto mo pero maging responsable ka sa kung ano mang kahihinatnan ng gagawin mo. Pero siyempre andun pa rin lagi yung pag-gabay gabay sa mga kapatid, pero hindi po ako yung talkative in that way. Kasi bilang lalake, hindi po ako masalita. Mas ipapakita ko sa gawa na pangangalagaan kita. And more of a provider po ako. Ganun ako sa family ko. Kaya mahalaga sa akin yung mga kapatid ko at mga tinuturing kong kapatid,” he explained.
Zaijian came to the defense of his Guryon co-star Kanye Avendaño after a reporter asked the young actor if he would join adult content platform Vivamax when he gets older.
In his interview with Lionheart TV during the event, Zaijian shared his thoughts after what happened during the Guryon presscon and why he could not let the incident pass without stepping in to answer for his younger co-star. The 25-year-old actor also did not hold back regarding his disappointment over the incident.
“Nung time kasi na yun, hindi ko in-expect na tatanungin yun. Dahil nasa isang professional tayo na trabaho at parang given na dapat na kapag nasa professional ka na trabaho, professional ka din. Yung posisyon mo kasi, nagiging malaking bagay para magbahagi ng impormasyon sa iba. So nabahala lang ako sa tanong niya dun sa 12-years-old ko na kasama, which is para sa akin, inappropriate. Pero hindi ko naman sinabat siya para mambastos.
“Ang sa akin, ang initial reaction ko is para maipagtanggol yung 12 years old na kasama ko. Nakita ko kung paano yung itsura niya. Hindi siya makapagsalita. Alam ko na wala pa sa utak niya yung platform na ganun. Nakausap ko po yung parents niya. Kinamusta ko rin sila siyempre. Pero yun nga, sabi nga ng magulang niya nakakalungkot, pero hindi nga alam ni Kanye yung mga ganung bagay. Pag may iba ring makapanuod na kabataan at ma-curious sila kung ano ba yun, hindi mo naman ma-ko-control kung ano yung gagawin ng isang bata pag nasa bahay o nasa cellphone. Hindi yun nababantayan 24/7. Sana maging maingat lang at maging aware sana next time lalo na pag magtatanong ng mga ganung bagay.”