Monday, November 2, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

PCG naka-heightened alert sa panahon ng Undas para sa kaligtasan ng mga biyahero sa dagat

MAYNILA — Nagsasagawa na ng masusing paghahanda ang Philippine Coast Guard para sa nalalapit na selebrasiyon ng Undas, kung saan inaasahan ang pagdagsa mga mga pasehero sa mga pantalan para umuwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Ayon kay Commodore Noemie Cayabyab, spokesperson ng PCG, ilalagay sa heightened alert ang lahat ng kanilang mga sangay sa buong kapuluan simula October 29 hanggang November 3.

“We will be placing all of our operating units nationwide in heightened alert status. Lahat po ng aming tauhan, we will be deploying 17,000 PCG personnel nationwide, kasama yung ating mga floating assets, air assets and even our deployable response groups natin,” sabi ni PCG spokesperson sa panayam sa DZMM Teleradyo.

Magtatayo rin sila ng passenger assistance desks sa lahat ng pantalan para alalayan ang mga pasahero. Magtatalaga rin kada desk ng medical teams kasama ang mga personnel ng PPA at MARINA para maging handa sa anumang emergency.

Magdedeploy din ang PCG ng K9 units sa mga mejor port para sa security inspections sa mga bagahe.

“Ang ating reminder sa ating mga biyahero ay wag magdadala ng matutulis, mga flammable, explosive items para hindi maantala ang atin mga biyahe,” aniya.

MV JUNE ASTER

Pinagigting ang paghahanda, aniya, dahil sa nangyaring sunog sa MV June Aster kamakailan na ikinamatay ng 60 pasahero sa Palawan.

“Itong binabanggit natin kanina na bawal magsakay ng explosive, flammable and even matutulis na bagay, we will strictly observing that,” sabi ni Cayabyab. “Para hindi maantala ang kanilang byahe, wag na po nilang balaking magsakay at magdala ng ganyang items.”

“Para maiwasan ang similar incident like the June Aster we will be intensifying the conduct of our inspection kasama yung pagchecheck ng storage plans kargamento at pagkakatali ng ating mga kargamento.”

Nais ding siguruhin ng PCG na may sapat na life saving devices kada barko na babyahe sa panahon gn Undas.

“Ang direktiba po ay magkakaroon ng concentrated inspections ating mga firefighting plan ng barko, kasama ang equipment mga life saving appliances kasama na ang passenger manifest. We will be ensuring na lang sasakay sa mga sasakyang pangdagat na lagpas sa kanilang kapasidad,” aniya.

KALIGTASAN SA BEACH

Idinagdag din ni Cayabyab na nakikipagcoordinate din ang PCG sa mga may ari ng resort dahil inaasahan din ang pagdagsa ng mga turista sa beaches kasabay ng Undas.

“Tayo rin po ay maglalagay ng lifeguards at rescue swimmers sa mga coastal beaches kasama sa pagsasagawa ng coastal patrol,” sabi ni Cayabyab.

“Last year mayroon tayong report ng pagkalunod. Kung tayo po ay mageengage into any water activities, siguraduhing hindi nakainom ng alak, palaging babantayan ang mga anak, yung mga maliliit na bata.”

Pinahuyan rin ng PCG ang mga pasahero lalo na sa dadayo sa malalaking pantalan na amgpunta ng maaga. 

“Halimabawa sa Batangas terminal, of course maraming kina cater na mga barko at pasahero, at least 2-3 hours (ahead ng biyahe) po,” aniya.

“Kung may mga advanced online ticketing system, mas maganda na maagang bumili ng ticket. Since maraming pasahero, even mga rolling cargo na dinadala sa pantalan ng Batangas, dadaan sa masusing inspection, we suggest 2-3 hours… Sa maliliit na pantalan naman, 1-2 hrs will do po.”

Huwag din aniyang sasakay sa mga colorum na sasakyang pandagat dahil hindi nakakasigurong ligtas ang kanilang magiging bihaye. 

Sinabi ni Cayabyab nakatanggap sila ng report noong nakaraang taon na may sumubok ibyahe ang isang fishing boat bilang recreational boat.

“Maagang naireport sa atin at nasave natin ang mga 30 na pasahero po noon,” sabi ni Cayabyab. “‘Pag colorum, hindi yan equipped ng tamang bilang ng life saving appliance, so we will be compromising the safety ng ating mga kababayan.”

E-SUMBONG

Sabi ni Cayabyab, maaring magpaabot ng report ng anumang kahinahinalang gawain sa mga pantalan sa pamamagitan ng E-Sumbong ng PCG.

“Nagpakalat tayo ng ating QR code sa lahat ng pantalan kung saan ang ating mga biyahero pwedeng ireport kaagad sa PCG,” sabi ni Cayabyab.

“Pag sila ay sumakay sa barko at hindi isinulat sa manifest pwedeng ireport sa PCG. Kung may mapapansin na kahinahinalang cargo, pwedeng ireport sa PCG… that would prompt us to conduct inspection.”

Leave a Reply