Pasilip: Behind-the-scenes ganap sa set ng iWant affair drama na “The Perfect Wife”
Bibida sa vertical serye ang Kapamilya actress na si Jane Oineza bilang sunod-sunurang asawa na matutuklasan ang kanyang itinatagong alindog para maghiganti sa mister niyang taksil sa bagong iWant affair drama na “The Perfect Wife,” na mapapanood simula Oktubre 30 (Biyernes).
Bukod sa pagtataksil at paghihiganti, iikot din ang vertical serye sa tema ng women empowerment na ipapakita sa pagbabago ng karakter ni Jane na makikita ang kanyang tunay na halagang higit sa pagiging simpleng maybahay.
Sa produksyon ng JRB Creative Production, sesentro ang serye kay Jem (Jane) na isinakripisyo ang kanyang matagumpay na karera para maging butihing asawa ni Aries (Rafael Rosell). Ngunit matutuklasan niya ang pagtataksil ni Aries nang malamang kalaguyo niya ang socialite na si Rafaela (Aya Fernandez).
Dahil dito ay nagpasya siyang baguhin ang kanyang sarili para mahalin muli ni Aries. Dito niya makikilala si Diane (Tootsy Angara), isang separada na makikisimpatiya sa kanyang pinagdaraanan, kaya naman magsisilbi siyang fairy-godmother niya na magiging susi sa pagtuklas muli ng kanyang alindog at tutulong sa paglantad ng kataksilan ng kanyang asawa.
Ang “The Perfect Wife” ang pinakabagong vertical affair drama serye ng iWant magmula nang ipalabas nitong taon ang “Twist of Fate,” na pinagbidahan din ni Rafael kasama sina Yen Santos, Angelica Lao, at Tony Labrusca.
Panoorin ang bigating glow-up ni Jane bilang “The Perfect Wife” na mapapanood ang lahat ng episodes nito simula Oktubre 30 sa iWant. Libre namang ipalalabas ang unang limang episode nito sa TikTok, Facebook, at YouTube pages ng iWant at ABS-CBN Entertainment.
Para mapanood ang lahat ng episodes nito, mag-subscribe sa iWant sa halagang P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 sa iba pang bahagi ng mundo.
Panoorin ang iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.