Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Motorsiklo, binangga, kinaladkad sa Commonwealth Ave

MAYNILA — Viral sa social media ang pagkaladkad ng isang sedan sa isang motorsiklo sa Commonwealth Avenue, Quezon City, nitong Martes.

Ayon sa Police Traffic Sector 5, nangyari ang insidente bandang alas-4 ng hapon malapit sa gusali ng Sandiganbayan nang mabangga ng isang itim na sedan ang isang itim na motorsiklo.

Tumilapon sa kalsada ang driver ng motorsiklo, pero nagpatuloy sa pag-arangkada ang sedan habang kinakaladkad ang motorsiklo.

Natigil lamang ang sedan nang harangan ito ng isang pampasaherong jeep.

Nagtamo ng minor injuries ang 21-anyos na driver ng motorsiklo.

Sa pagharap sa pulisya, sinabi ng 61-anyos na driver ng sedan na hindi niya napansing may nabangga siya at nakaladkad na motorsiklo.

Hindi nagkaareglo ang dalawang kampo kaya planong magsampa ng pormal na reklamo ang driver ng motorsiklo.

Pinabulaanan naman ng pulisya na road rage ang insidente, taliwas sa kumakalat sa social media.

KAUGNAY NA  ULAT: 

Leave a Reply