Babae madalas bulungan ng mga espiritong ligaw! | Kababalaghan 8
Ginagambala ang isang dalaga ng mga espiritung ligaw tuwing gabi sa gitna ng kaniyang pagtulog. Binubulabog siya ng mga elementong tila bumubulong sa kaniya.
Ilang henerasyon na ng angkan ni alyas Tina ang nanirahan sa kanilang bahay sa Metro Manila na kung saan ang lupa ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya noong pang World War II.
Sa kasalukuyan, kasama niya sa bahay ang kaniyang mga magulang at ang kapatid na may special needs. Simple lang ang tatlong palapag na bahay pero balot ito ng mga nakakikilabot na kuwento.
Taong 2016 nagsimula ang bigat ng kalbaryo ni Tina nang may isang tinig ang bumulong sa kaniya na nagpanginig sa kaniyang buong katawan.
“Madaling araw, ‘yun po ‘yung unang bulong. Habang nag-uusap po kami, dito po sa part na po na ito ‘yung phone ko. Bigla pong may huminga na bulong po, nu’ng habang kausap ko siya (kaibigan),” kuwento niya kay Kabayan Noli De Castro.
Mula noon hindi na tinantanan si Tina nang panggagambala ng bulong tuwing natutulog siya sa kaniyang kuwarto hanggang dumating sa pagkakataong apektado na ang kaniyang pang araw-araw na pamumuhay.
Ano nga ba ang kuwento sa likod ng elementong bumubulong kay Tina?
Panoorin ang kabuuan ng kuwento sa “Kababalaghan 8: Pagkagat ng Dilim” kasama si Kabayan Noli De Castro.