Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Pamilyang taga-bantay ng bahay binubulabog ng mga hindi maipaliwanag na elemento! | Kababalaghan 8

Lumipat sa isang lumang bahay sa Metro Manila ang isang pamilya matapos silang pakiusapan ng kaanak na bantayan ito pero ang hindi nila alam, sila pala ang babantayan ng mga hindi matahimik na kaluluwa.

Nag-viral kamakailan sa social media ang online post ni Michelle “Mitch” Balsacao. Ipinakita niya sa video ang loob ng kanilang tinitirhan para humingi ng gabay. Pakiramdam niya may mga espiritu umano silang kasama sa bahay.

“Pumunta po ‘yung kapatid ko dito, namasyal po. Sinasabi po niya na, ‘Ate, natatakot ako sa taas.’ Tapos, sabi niya, ‘Bilangin mo ‘yung hagdan niyo kung naka-mata.’ Binilang namin nu’ng oro, plata, mata, tapos pagdating namin sa taas, nu’ng pag-apak namin ng mata nagtinginan kami tapos parehas pa kami sumigaw sa takot na,” pagbabahagi niya sa production team ng Kababalaghan 8.

Tubong Cavite ang pamilya nina Mitch pero simula nang mag-resign sa trabaho ang kaniyang mister at pinasok ang pagiging motorcycle taxi rider, nahihirapan na ito sa pagbiyahe pauwi dahil karamihan sa mga kliyente nito ay nasa Metro Manila.

Nagkataon na inalok ng tuyihin ng mister niya ang bahay nito sa isang siyudad sa Metro Manila para bantayan nila.

Binisita muna nila ang sinasabing bahay pero sa labas pa lang nito ay iba na umano ang naging kanilang naging pakiramdam.

“Nu’ng pagpasyal po namin, mabigat na po talaga sa akin ‘yung bahay,” kuwento ni Mitch.

Ano nga ba ang mga hindi maipaliwanag na elementong bumabalot sa tirahang nilipatan ng pamilya ni Mitch?

Panoorin ang kabuuan ng kuwento sa “Kababalaghan 8: Pagkagat ng Dilim” kasama si Kabayan Noli De Castro.

Leave a Reply