Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

13 bahay natupok sa sunog sa Greater Lagro, QC; 9 pamilya apektado

Natupok ang 13 bahay sa sunog na sumiklab sa Putol Na Daan Street, Barangay Greater Lagro, Quezon City nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 1. Courtesy: Paul John Caballero Galgana via Christopher Sitson

MAYNILA — Natupok ang 13 bahay sa sunog na sumiklab sa Putol Na Daan Street, Barangay Greater Lagro, Quezon City nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 1.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula 10:00 ng gabi.

Tuluyang naapula ang apoy makalipas ang dalawang oras bandang 11:58 ng gabi.

“Masikip po yung kalsada natin kaya po hirap makapasok agad yung firetruck kaya inakyat natin sa ikatlong alarma tapos gawa sa light materials yung mga bahay,” sabi ni Fire Senior Inspector Erickson Guila, Station Commander, Station 5 QCFD BFP NCR.

Nasa 55 firetrucks ang rumesponde sa sunog habang 9 pamilya ang apektado.

“Naglalaba po ako kanina sa labas, eh akala ko kanina may naggigisa lang po kasi may sumisirit po. Nung tumingala po ako malakas na yung apoy sa may kapitbahay po sa loob ng bahay nila. Hindi po namin alam paano magsisimula,” sabi ni Mean Marie Teñoso na isa sa nasunugan.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang pinagmulan ng sunog.

Pansamantalang tumutuloy muna sa evacuation center ng barangay ang mga apektadong pamilya habang ang ilan ay sa kaanak muna namalagi.

Nagpaabot na rin ng paunang tulong ang Quezon City LGU sa mga nasunugan.

KAUGNAY NA VIDEO

Leave a Reply