Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Lalaking papunta ng sementeryo sinaksak

Kwento ng mga kaanak, may umakbay umano sa biktima bago ito sinaksak nang isang beses sa dibdib. Courtesy: Barangay San Isidro via Eon Sanchez, ABS-CBN News

MAYNILA — Patay ang isang 30-anyos na lalaki matapos saksakin sa dibdib bandang 6:30 ng gabi noong Linggo, Nobyembre 1 sa bahagi ng Dr. A. Santos Avenue, Barangay San Isidro ng naturang lungsod.

Ayon sa kapatid at bayaw ng biktima, naglalakad papuntang sementeryo ang biktima matapos  utusan ng kanyang ina na magsindi ng kandila para sa kanilang yumaong ama nang saksakin sa dibdib.

Kwento ng mga kaanak, may umakbay umano sa biktima bago ito sinaksak nang isang beses sa dibdib.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay.

Lumilitaw naman sa nakalap na impormasyon ng barangay na posibleng may kinalaman sa selos ang pananaksak.

“Yung sumaksak, parang dating karelasyon nung [nililigawan ng biktima]. Iyon ang kwento, hindi ako siguradong talaga na iyon ang kwento,” ayon kay Romula Badiang, desk officer ng Barangay San Isidro

Gayunman, hindi pa kumpirmado ang motibo sa krimen.

Sinabi naman ng bayaw ng biktima na wala silang alam na nakaaway o nakaalitan nito.

Patuloy ang backtracking at follow-up operations ng pulisya, habang sinusuri rin ang mga CCTV footage upang matukoy ang pinanggalingan at pinuntahan ng suspek.

          

Leave a Reply