TV PATROL: Isa pang lugar na tinambakan ng mga patay na hayop natagpuan sa Bulacan
Isa na namang lugar na pinagtambakan ng mga patay na hayop ang nadiskubre sa isang septic tank sa Barangay Minuyan IV sa San Jose Del Monte City, Bulacan.
Ilang araw lang ito matapos matagpuan ang halos 30 patay na aso’t pusa sa Barangay Minuyan Proper parehong lungsod.
Kinumpirma ng paraveterinary worker ng San Jose Del Monte LGU na nakita niya mismo ang mga katawan ng patay na hayop noon pang November 2025. Nasa pito hanggang walong sako ang itinapon sa septic tank.
Ang naturang kawani rin ang nakakita sa mga patay na hayop na nakasilid sa plastik at nakakalat sa kalsada sa Barangay Minuyan V noong Mayo. May nakadikit din umanong pangalan ng hayop at timbang sa mga ito.
Sa ngayon ay hindi pa nakukumpirma kung magkakaugnay ang mga insidente ng mga natagpuang patay na hayop sa magkakatabing barangay.
Live mula sa San Jose del Monte City, nagpapatrol si Francis Orcio. TV Patrol, Lunes, 2 Nobyembre 2026.