TV PATROL: ‘Kabisera ng Ataul’ ng Pilipinas ibang level ang sigla ng negosyo
Masigla at ibang level ang negosyo sa binansagang Kabisera ng Ataul ng Pilipinas.
May mga ataul na gawa sa kahoy at metal, pero mayroon ding kakaiba ang disenyo, gaya ng isang tila hugis pagong.
Ilang dekada na ring buhay ang negosyong ito sa kanilang lugar.
Kilalang atraksyon naman ang mga nitso sa isang sementeryo sa Tabuk City, Kalinga.
Ilan sa mga makikita sa Nambaran Public Cemetery ang mga himlayang hugis sapatos, helicopter, may hayop, bahay at iba pa.
Ayon sa mga residente, depende ang disenyo ng nitso sa kagustuhan ng namayapa o sa trabaho niya noong nabubuhay pa.
Alamin ang sining at kwento sa likod nito sa pagpapatrol ni MJ Felipe. TV Patrol, Lunes, 2 Nobyembre 2026.