TV PATROL: Lalaki patay matapos saksakin sa dibdib habang patungo sa sementeryo
Patay ang isang lalaki sa Parañaque matapos saksakin sa dibdib habang patungo sa sementeryo para magtulos ng kandila sa yumaong ama.
Naisugod pa sa ospital ang biktima noong Linggo pero hindi na nailigtas.
Patuloy ang backtracking ng pulisya sa mga CCTV na makatutulong sa imbestigasyon at para malaman ang motibo sa krimen.
Samantala, sugatan ang isang lalaki sa Marikina matapos barilin ng kinakasama ng kanyang kainuman noong Huwebes.
Naisugod sa ospital ang biktima habang tumakas ang suspek na naaresto kinabukasan.
Nagpapatrol, Christopher Sitson. TV Patrol, Lunes, 2 Nobyembre 2026.