Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: C5 Road rehab planong simulan ng DPWH ngayong Nobyembre

Plano nang isailalim ng DPWH sa rehabilitasyon ang C5 road bago matapos ang buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Department of Public Works and Highways Secretary Giovanni Lopez, halos 23 kilometers ang haba ng aayusin, mula Kalayaan interchange sa Taguig hanggang sa Capitol Hills Drive sa Quezon City.

By section ito gagawin, pero pinag-aaralan pa nila saang lugar pinaka mainam magsimula, depende sa bahaging pinaka marami ang sira.

Base sa procurement timeline, posibleng mai-award na ng DPWH ang proyekto sa November 18 pero kailangan pa ng ilang linggo para ihanda ang notice to proceed at traffic management plan, lalo’t sasabay ang paggawa sa Christmas season.

Katuwang ng DPWH dito ang MMDA, mga local government units na madadamay, at Department of Transportation.

TV Patrol, Martes, 3 Nobyembre 2026

Leave a Reply