TV PATROL: Malacañang naglabas ng mas akmang panuntunan sa pagsuspende at pagbabalik ng klase
Naglabas na ng bagong executive order ang Malacañang kaugnay sa mas akmang panuntunan sa pagsuspinde at pagbabalik ng klase.
Pero nais ng grupo ng mga pribadong paaralan, na klaruhin ng pamahalaan ang ilang bahagi ng polisiya.
Tatlong uri ng pagsuspende ng klase ang inilatag sa Executive Order 130 na inilabas nitong Martes. Sa granulized suspension, pwedeng magsuspende ang paaralan o learning center kung may banta sa kaligtasan, kalusugan o kapakanan ng estudyante, pero dapat gawin ito nang may koordinasyon sa punong barangay, mayor o governor, o ‘yung tinatawag na local chief executive o LCE.
Pwede ring magbukas muli ng mga klase kung may “concurrence” o pagsang-ayon ng LCE.
Nagpapatrol, Agatha Gregorio. TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026