Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Maaraw at mainit na panahon aasahan sa malaking bahagi ng bansa

Maaraw at mainit na panahon ang aasahan sa malaking bahagi ng bansa bukas bagamat may ilang lugar pa rin na makararanas ng pag-ulan.

Ngayong Miyerkules, natala ang pinakamataas na heat index na 43 degrees celsius sa Butuan City at Coron, Palawan.

Ang heat index ay ang damang init ng katawan base sa pinagsamang epekto ng temperatura at dami ng moisture sa hangin. 

Bukas, November 5, limang lugar ang makararanas ng danger level heat index: Coron, Palawan at Dipolog City na papalo sa 43 degrees Celsius at sa Butuan City at Dumangas at Iloilo City sa 42 degrees Celsius.

Nananatiling mainit ang panahon dahil sa Northern Luzon lang nakaaapekto ang Amihan habang ang maalinsangang easterlies naman ang umiiral sa ibang bahagi ng Pilipinas.

Wala ring masyadong moisture sa paligid ng bansa para magkaroon ng malawakan at matitinding ulan.

Wala pa ring inaasahang bagyo o low pressure area sa bansa hanggang sa katapusan ng linggo.

TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026 

Leave a Reply