Patay na sanggol, natagpuan sa toilet tank ng kainan
Isang walang buhay na sanggol ang natagpuan sa toilet tank ng isang kainan sa Nagcarlan, Laguna nitong Miyerkules.
Sa inisyal na impormasyon mula sa Nagcarlan MDRRMO, magtatanghali nang madiskubre ang sanggol sa toilet tank.
Nagtungo ang awtoridad sa nasabing kainan para kumpirmahin ang report.
Patuloy ang masusing imbestigasyon ng Nagcarlan Police sa insidente para matukoy ang nasa likod ng krimen na posibleng maharap sa kasong infanticide.
IBA PANG ULAT: